Noli Me Tangere Kabanata 25 Kultura At Tradisyong Pilipino At Bisang Pangkaisipan At Bisang Pandamdamin. Tnx
noli me tangere kabanata 25 kultura at tradisyong pilipino at bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin. tnx
Noli Me Tangere
Kabanata 25: Sa Tahanan ng Pilosopo
Kultura at Tradisyong Pilipino:
Ang kultura at tradisyong pilipino na umiiral sa kabanatang ito ay ang pagsangguni sa mga nakatatanda. Bilang mga Pilipino, likas sa atin ang paggalang sa mga nakatatanda. Ang kanilang mga payo ay aral para sa karamihan sa atin lalo na kung ito ay nagmula sa ating sariling mga magulang. Katunayan, ang bawat payo o tagubilin ng magulang ay napakahalaga para sa isang anak o sa isang bata sapagkat walang sinumang magulang ang maghahangad ng makakasama para sa anak.
Bisang Pangkaisipan:
Matapos na mabasa ko ang kabanatang ito pumasok sa isipan ko kung gaano kahalaga ang tagubilin ng mga nakatatanda. Napagtanto ko na sadyang malaki ang kaibahan ng opinyon ng nakatatanda kaysa sa opinyon ng isang bata. Ang kanilang mga payo ay karaniwang hindi nauunawaan ng mga kabataan ngunit kapag naisip nila ang nais iparating ng kanilang mga sinasabi, matitiyak na ang mga ito ay sadyang para sa kabutihan lamang.
Bisang Pandamdamin:
Matapos kong mabasa ang kabanatang ito, namulat ako na dapat mas pahalagahan ang payo ng mga nakatatanda sapagkat ang kanilang mga karanasan ay higit na mayaman kaysa sa pansariling karanasan. Mas mainam din kung timabangin ang mga pasya at tingnan kung ito ba ay tugma sa kung ano ang dapat nating kilos ayon sa inaasahan sa atin ng mga nakatatanda.
Read more on
https://brainly.ph.question/2114174
Comments
Post a Comment