Ano ang ibig sabihin ng adolescens Ang adolescence ay ang yugto sa buhay ng tao sa edad ng pagiging tinedyer o ang mga nasa edad na "teens", mula sa 13 hanggang 19 na gulang. Tinatawag sila na nagdadalaga o dalaga at nagbibinata o binata. Kitang-kita ang kaibahan ng grupong ito dahil sa pagbabago sa pisikal, mental, emosyonal na kalikasan. Ang pagbabagong iyon ay dahil sa paghahanda niya mula sa pagiging bata tungo sa pagiging adulto. Ang pisikal na katawan nila ay inihahanda para sa pag-aanak, mas pisikal na mga gawain at iba pang pang-adulto. Ang kanilang emosyon at mental ay nahahasa na din sa kakayahang makaunawa ng tama at mali, pagpapasya at paggamit ng higit na kalayaan. Ito rin ang yugto ng buhay ng isa na nagsisimula siyang iwanan ang mga bagay mula sa pagkabata, mga bagay na hindi niya nais na ipagpatuloy gaya ng mga kinasanayan o mga pananaw. Kasabay nito, ito din ang panahon na nagsisimula na siyang magtayo ng sarili niyang pagkakakilanlan at aktibo sa iba...
Comments
Post a Comment