Ang ibig sabihin ng pensamiyento Ang salitang pensamiyento ay galing sa salitang kastila na pensamiento ; ang ibig sabihin nito ay naisip. Mga pangungusap gamit ang salitang pensamiyento Ano ang pensamiyento mo at biglaan kang magtutungo ng Maynila? Ang mga pensamiyento ng mga kastila noong unang panahon ay para lamang sa sarili nilang pakinabang. Ang pensamiyento ni Rizal ang nagmulat sa ating mga katutubong Pilipino upang ipaglaban ang bansang Pilipinas. Para sa karagdagang impormasyon: brainly.ph/question/613323 brainly.ph/question/514525 brainly.ph/question/98031
noli me tangere kabanata 25 kultura at tradisyong pilipino at bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin. tnx Noli Me Tangere Kabanata 25: Sa Tahanan ng Pilosopo Kultura at Tradisyong Pilipino: Ang kultura at tradisyong pilipino na umiiral sa kabanatang ito ay ang pagsangguni sa mga nakatatanda. Bilang mga Pilipino, likas sa atin ang paggalang sa mga nakatatanda. Ang kanilang mga payo ay aral para sa karamihan sa atin lalo na kung ito ay nagmula sa ating sariling mga magulang. Katunayan, ang bawat payo o tagubilin ng magulang ay napakahalaga para sa isang anak o sa isang bata sapagkat walang sinumang magulang ang maghahangad ng makakasama para sa anak. Bisang Pangkaisipan: Matapos na mabasa ko ang kabanatang ito pumasok sa isipan ko kung gaano kahalaga ang tagubilin ng mga nakatatanda. Napagtanto ko na sadyang malaki ang kaibahan ng opinyon ng nakatatanda kaysa sa opinyon ng isang bata. Ang kanilang mga payo ay karaniwang hindi nauunawaan ng mga kabataan ngunit kapag naisip nila ...
Ano ang ibig sabihin ng adolescens Ang adolescence ay ang yugto sa buhay ng tao sa edad ng pagiging tinedyer o ang mga nasa edad na "teens", mula sa 13 hanggang 19 na gulang. Tinatawag sila na nagdadalaga o dalaga at nagbibinata o binata. Kitang-kita ang kaibahan ng grupong ito dahil sa pagbabago sa pisikal, mental, emosyonal na kalikasan. Ang pagbabagong iyon ay dahil sa paghahanda niya mula sa pagiging bata tungo sa pagiging adulto. Ang pisikal na katawan nila ay inihahanda para sa pag-aanak, mas pisikal na mga gawain at iba pang pang-adulto. Ang kanilang emosyon at mental ay nahahasa na din sa kakayahang makaunawa ng tama at mali, pagpapasya at paggamit ng higit na kalayaan. Ito rin ang yugto ng buhay ng isa na nagsisimula siyang iwanan ang mga bagay mula sa pagkabata, mga bagay na hindi niya nais na ipagpatuloy gaya ng mga kinasanayan o mga pananaw. Kasabay nito, ito din ang panahon na nagsisimula na siyang magtayo ng sarili niyang pagkakakilanlan at aktibo sa iba...
Comments
Post a Comment