Kung Hindi Ang Sagot, Ano Ang Naging Balakid Sa Iyo Para Hindi Mapamahalaan Ang 24 Oras? Magbigay Ng Makatwiran At Matapat Na Paliwanag.
Kung hindi ang sagot, ano ang naging balakid sa iyo para hindi mapamahalaan ang 24 oras? Magbigay ng makatwiran at matapat na paliwanag.
Answer:
Pie Graph ng aking mga gawain sa loob ng 24 oras.
Hindi. Dahil naubos ang ibang oras ko sa ibang gawain tulad nang panonood sa Youtube at pagiging aktibo ko sa sosyal midya.
Explanation:
Madalas ay nahihirapan akong ibalanse ang aking oras dahil masyado akong nakatutok sa sosyal midya. Ngunit hanggat maaari ay pinipigilan ko ang aking sarili. Pagdating kasi sa mga personal na bagay ay kadalasan napapasarap ako sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ko. Ito rin kasi ang paraan para makapagtanong sa pamamagitan ng messaging apps tulad ng Messenger o mag-research sa internet.
Mabilis kumain ng oras ang mga bagay na ito. Minsan ang inaakala kong isang oras lang ay nauuwi sa dalawa o tatlong oras. Sabayan pa ito ng paglalaro ng Mobile Legends o di kayay ka-chat ang aking girlfriend.
Minsan nakakaapekto rin ang koneksiyon ng internet na sa sobrang bagal o hirap sa signal ay wala rin akong natatapos na takdang aralin. May mga pagkakataon din na pumupunta ako sa bahay ng aking mga kaklase para tapusin ang group project na inaabot nang ilang oras.
Sa kabila ng mga balakid na ito ay patuloy kong pinagbubuti ang aking pag-aaral nang sa gayon ay makatapos ako at maipagmalaki ng aking mga magulang.
Mga balakid o nakaaapekto sa pag-aaral:
CODE: 9.24.1.12
Comments
Post a Comment