Sa Panahon Ng Espa\Xf1ol, Karamihan Ng Mga Akda Na Binabasa O Itinatanghal Man Ay Tungkol Sa Mga Santo/Santa. Nagsisimula Ito Sa Panalangin. Samakatuw

Sa panahon ng Español, karamihan ng mga akda na binabasa o itinatanghal man ay tungkol sa mga santo/santa. Nagsisimula ito sa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito?

a. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon.
b. Likas na relihiyoso ang mga Pilipino.
c. Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino.
d. Ibinahagi ng mga Español ang paraan ng kanilang pananampalataya.

Answer:

D. Ibinahagi ng mga Español ang paraan ng kanilang pananampalataya.

Explanation:

Ang isa sa layunin ng mga Español sa pananakop sa atin noon ay upang ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo. Hindi ito ang relihiyosong pagsamba ng ating mga ninuno pero dahil likas na relihiyoso ang mga Pilipino gaya ng binabanggit ng letra B, naging matagumpay ang pagkakakumberte ng Pilipinas sa Kristiyanismo.

Upang maging madali na maituro ito sa mga katutubong Pilipino, ginagawa nila itong isangkot sa tatlong pangunahing sistema sa lipunan:

  1. pamamahala
  2. edukasyon
  3. komersyon

Pamamahala

Makikita sa maraming mga panunumpa, batas, programa at plitikal na sistema sa panahon noon ang relihiyosong pagsamba sa mga santo/santa upang palawigin ang puwersa at pananakop. Bawat lugar ng pamamahala ay mayroong ikinakabit na pagkakakilanlan ng santo/santa para sa ikatatagumpay ng pamamahala.

Edukasyon

Dito pumapasok ang letra A. Iniaangkop noon ang panitikan batay sa relihiyong Kristiyanismo.  Kaya naman ang mga akda kasama na ang mga isinasaulong mga kaalaman at karunungan ay mayroon gabay ng mga paniniwalang ito.

Itinuturo noon ang moral na pamumuhay na may kinalaman sa relihiyong Kristiyanismo: brainly.ph/question/2150906.

Komersyo

Dito pumapasok ang letra C: Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino. At bahagi nito ay ang pagpapanood ng mga realidad ng buhay. Siyempre pa, maaaninaw dito kung paanong ang pagsamba ay may malaking bahagi sa mga kaganapan noon. Ang mga produksyon at serbisyo tungkol sa mga santo/santa ay malaon ng magardo at makulay.

Maliban dito, itinuro din nila ang maraming mga pamahiin. Basahin sa link na ito: brainly.ph/question/231435.

Halimbawa ng panitikan noon: brainly.ph/question/39208.

Sa ngayon, ang pagsamba sa santo/santa ay may malaking bahagi pa din sa populasyon ng Pilipinas. Makikita mo ito sa ulat ng kasaysayan, kapistahan at mga selebrasyon. Ngunit mapapansin mong marami nang nag-aangking Kristiyano na nagsasabing umaaalis sila sa paggamit ng santo/santa sa pagsamba. Paanong nangyari ito? Nakita nila ang sagot mula sa Bibliya. Buksan mo ang sinasabi ng Exodo 20:4-6.


Comments

Popular posts from this blog

Layunin Ng Aspeto Ng Buhay ?, Para Sa Kinabukasan Mo ?

Noli Me Tangere Kabanata 25 Kultura At Tradisyong Pilipino At Bisang Pangkaisipan At Bisang Pandamdamin. Tnx

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Adolescens