Ano Ang Mga Uri Ng Nepotismo?

Ano ang mga uri ng Nepotismo?

Ang Nepotismo ay ang terminong nagmula sa "nephew". Ang ilang nasa matataas na posisyon ay may kakayahang maglagay sa matataas na posisyon ang kanilang pamangkin. Sa ngayon ay nagaganap ito maging sa iba pang kamag-anak at malalapit na kaibigan. Ito ay nagpasimula sa pagbibigay ng posisyon ng mga Katolikong Papa at Bishops sa kanilang pamangkin.  

Maaaring makita ang nepotismo sa sektor ng politika, anumang organisasyon sa lipunan, sa lugar ng trabaho, sports, entertainment at marami pang iba. Talakayin natin ang ilan.

Nepostimo sa Politika

Ang Nepotismo ay nagaganap kahit na ang isa ay walang sapat na kuwalipikasyon sa posisyon. Sa Britanaya tanyag ang ekspresyong "Bobs your uncle" nang ilagay ni Robert Arthur Talbot Gascoyne-Cecil, ang ikatlong Marquess ng Salisbury, ang kaniyang pamangkin na si Arthur Balfour bilang Chief Secretary ng Ireland.

Nepotismo sa anumang uri ng organisasyon sa lipunan

Nagagawang maging miyembro empleyado ng anumang organisasyon ang isa dahil sa kanilang kapamilya sa loob ng organisasyon.

Nepotismo sa Lugar ng Trabaho

Ang Nepotismo ay nangangahulugan din ng mas maraming oportunidad na makuha sa trabaho o mabayaran ng mas higit kaysa sa inaasahang sahod sa kaniya. Makikita ito kahit sa maliliit na negosyo kapuwa corporate o family business.

Ang Nepotismo ay itinuturing na unethical sa anumang kalagayan pero laganap pa din. Nakikita at isang normal na kalagayan.


Comments

Popular posts from this blog

Layunin Ng Aspeto Ng Buhay ?, Para Sa Kinabukasan Mo ?

Noli Me Tangere Kabanata 25 Kultura At Tradisyong Pilipino At Bisang Pangkaisipan At Bisang Pandamdamin. Tnx

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Adolescens