Ano Ang Nais Ipahiwatig Ni Dr.Jose Rizal Sa Kabanata 17 :Si Basilio?

Ano ang nais ipahiwatig ni Dr.Jose rizal sa kabanata 17 :Si basilio?

Noli Me Tangere

Kabanata 17: Si Basilio

Sa kabanatang ito nais ipahiwatig ni Rizal na ang bawat bata ay mayroong pangarap at may mga itinuturing na bangungot. Nang gabing iyon nagkaroon ng bangungot si Basilio ukol sa kanyang nakababatang kapatid na si Crispin. Sa kanyang bangungot nakita ni Basilio na ang kanyang kapatid ay nawalan na ng malay tao sa labis na pananakit ng kura dito. Sa labis na takot, napa ungol si Basilio dahilan para gisingin siya ni Sisa mula sa mahimbing na pagtulog. Sa bahaging ito nais bigyang diin ni Rizal na mayroong paraan para magising ang isang tao mula sa isang masamang panaginip o bangungot. Inilihim ni Basilio sa ina ang kanyang masamang panaginip at upang makalimutan ito at nag isip na lamang siya ng positibong mga bagay tulad ng kanyang pangarap.

Ang mga pangarap ni Basilio ay simple lamang. Nais niyang huminto na silang magkapatid sa pagiging sakristan at hihilingin na lamang kay Ibarra na maging pastol ng mga alaga nitong baka at kalabaw habang ang kapatid naman ay patuturuan niya kay Don Anastacio o mas kilala sa tawag na pilosopo Tasyo. Nais din niya magkaroon ng kapirasong lupang sakahan pagtanda niya. Sa puntong iyon naisip niya na kapag siya ay malaki na, hindi na kakailanganin pa ng ina at kapatid na magtrabaho. Sa bahaging ito nais ipahiwatig ni Rizal ang kanyang simpleng pangarap para sa kanyang pamilya. Ang tangi lamang niyang nais ay mamuhay ng payapa sa piling ng kanyang pamilya.

Read more on

brainly.ph/question/2122035

brainly.ph/question/1446408

brainly.ph/question/2130855


Comments

Popular posts from this blog

Layunin Ng Aspeto Ng Buhay ?, Para Sa Kinabukasan Mo ?

Noli Me Tangere Kabanata 25 Kultura At Tradisyong Pilipino At Bisang Pangkaisipan At Bisang Pandamdamin. Tnx

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Adolescens