Bakit Ayaw Ni Crisostomo Ibarra Na May Nagagalit Sa Kanya
Bakit ayaw ni crisostomo ibarra na may nagagalit sa kanya
Noli Me Tangere
Crisostomo Ibarra
Ayaw ni Crisostomo Ibarra na may nagagalit sa kanya sapagkat ayaw niya na matulad sa kanyang ama na itinuring na erehe at pilibustero. Nais niya na makilala siya bilang isang taong may prinsipyo at makatwiran. Batid niya na sa oras na merong magalit sa kanya ay madadamay sa galit na ito ang kanyang pamilya at ang kasintahan na si Maria Clara. Sa simula pa lamang ng kanilang ugnayan na naramdaman na ni Ibarra na hindi pabor sa kanya si Padre Damaso para sa dalaga kaya naman pilit niyang pinalalampas ang kagaspangan ng pag uugaling ipinakikita nito sa kanya.
Hindi maipagkakaila na maging ang kura na pumalit kay Padre Damaso na si Pari Salvi ay hindi rin pabor kay Ibarra upang maging kasintahan ng dalagang si Maria Clara dala ng panibugho sapagkat ang kura ay may pagtangi sa dalaga bagay na hindi lingid sa dalaga at kay Crisostomo Ibarra. Maging ang mga kaibigan ni Ibarra ay naapektuhan ng galit ng mga prayle sa kanya sapagkat ang kanyang kaibigang si Quiroga ay hindi nakatanggap ng konsulado sa kanyang bansa sa kabila ng kasipagan at pagiging magiliw nito sa mga prayle. Katunayan, nagkaroon pa ito ng pagkakautang kay Simoun (ang bagong Ibarra) upang mabigyan lamang ng regalo ang isang babae na kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki.
Read more on
Comments
Post a Comment