Bakit Mahalagang Tingnan Nation Ang Maaring Kahinatnan O Bunga Nito Bago Tayo Gumawa Ng Pasya?
Bakit mahalagang tingnan nation ang maaring kahinatnan o bunga nito bago tayo gumawa ng pasya?
Ang isang paraan upang maging mahusay ang pasiya natin ay ang pagtingin sa maaaring maging resulta nito. Makikita mo sa iyong paligid, mga nakakasama at mga karanasan ng iba ang naging resulta nito. Makatutulong ito kung ipagpapatuloy mo o hindi ang isang pasiya,o magbabago ka ng mga hakbangin.
Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago, Pero tulóy lang ang mga walang karanasan at pinagdurusahan ang epekto nito. -Kawikaan 27:12
Nagsisilbing garantiya ang patiunang mabubuting resulta upang makagawa ng isang nakatutulad na resulta. Nagiging patiunang babala naman ang mga masamang na resulta, at makatuwiran lamang na iiwasan mo ito. Pero dahil ang puso ay mapandaya, maaaring hindi nakikita ang mga tusong panganib.
Ipinapakita ng kawikaan na ito ang pagkakaiba ng isang matalino at ng isang walang karanasan.
Maaalala natin ang isang kasabihan sa 1 Corinto 10:13a "Anumang tukso (mga kalagayan sa buhay) dumating sa inyo ay nararanasan din ng ibang tao." Kaya hindi na bago ang mga resulta nito.
Dahil ang kalagayan ay hindi naman laging magkakapareho, pero mayroong mga simulaing nasasangkot at iyon ang hindi nagbabago. Kaya mas dapat suriin ng isa hindi lamang ang litaw na mga kalagayan kundi ang mga nakapaloob na prinsipyo o pamantayang moral.
Bilang konklusyon, ang isa ay nahaharap sa panibagong mga hamon ng pagpapasya kaayon ng mga kalagayan at mga babala at mga parisang resulta.
Comments
Post a Comment