Bakit Pagbabago Ang Pamagat Sa Kabanata 51 Noli Me Tangere
Bakit pagbabago ang pamagat sa kabanata 51 Noli me Tangere
Noli Me Tangere
Kabanata 51: Mga Pagbabago
Ang kabanatang ito ay pinamagatang mga pagbabago sapagkat maraming pagbabago ang naganap tulad ng pagkawala ng ekskomunikasyon ni Ibarra. Tanging ang kulang na lamang ang kapatawaran na manggagaling kay Padre Damaso. Ngunit ang kapatawaran na ito ay hindi kusang loob na ipagkakaloob ng kura maliban sa kung ito ay hihilingin ni Maria Clara mula rito. Naging maayos din ang pakikitungo ni Padre Salvi kay Ibarra ng mabalitaan na ito ay hindi na ekskomunikado. Buong lugod niyang kinamayan si Ibarra at pinapurihan pa ito.
Ang pagkaka alis ng ekskomunikasyon ni Ibarra ay malaking bagay para sa binata. Ang pagtingin at pagtrato ng mga tao sa kanya ay magbabago tulad ng pagbabago ng ianunsyo ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado niya. Maging ang pagtrato ni Maria Clara kay Ibarra ay nagkaroon din ng pagbabago. Nais ng dalaga na kalimutan na siya ni Ibarra ngunit sadyang mahal na mahal siya ng binata kaya naman nais niyang makausap ito ng sarilinan. hindi maiwasan ni Ibarra na isipin na ang pagbabagong ito ay dulot ng pagdating ni Linares sa buhay nilang magkasintahan at pagpapahayag ng kagustuhan ng mga matatanda lalo na ni Padre Damaso na ito ang makatuluyan ni Maria Clara.
Read more on
Comments
Post a Comment