Gumawa Ng Slogan Kung Paano Susuportahan Ang Sektor Ng Paglilingkod

Gumawa ng slogan kung paano susuportahan ang Sektor ng Paglilingkod

"Tugunan ang talamak na brain drain sa lipunan,

sa sweldo at benepisyo ng mga manggagawa kailangan mamuhunan."

Iyan ang halimbawa ng slogan tungkol sa kung paano susuportahan ang sektor ng paglilingkod. Ang sektor ng paglilingkod ay ang sektor na nagbibigay ng serbisyo. Kabilang dito ay ang serbisyo sa produksyon, distribusyon, kalakalan ng mga produkto, at iba pa. Kaugnay nito, narito pa ang karagdagang impormasyon tungkol sa sektor ng paglilingkod.

I. Ano ba ang Sektor ng Paglilingkod?

  • Ang sektor ng paglilingkod ay ang sektor na nagbibigay ng serbisyo.
  • Kabilang dito ay ang serbisyo sa produksyon, distribusyon, kalakalan ng mga produkto, at iba pa.

II. Mga sub-sektor ng Sektor ng Paglilingkod

Ang sektor ng paglilingkod ay may mga sub-sektor. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan - Ang halimbawa ng mga ito ay ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga pampublikong transportasyon at mga linya ng telepono.
  • Pananalapi - Ang halimbawa nito ay ang paglilingkod ng mga institusyon kagaya ng bangko, remittance centers, sanglaan, at iba pa.
  • Kalakalan - Ang halimbawa nito ay ang pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo sa ibat ibang bansa.
  • Paupahang bahay at Real Estate - Ang halimbawa ng mga ito ay ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga tirahan, condominium, town house, subdivision, at iba pa.

III. Tungkol sa Slogan

  • Ang halimbawa ng slogan sa itaas ay nagbibigay ng suporta sa sektor ng paglilingkod sa pamamagitan ng panawagan na tugunan ang brain drain. Ang brain drain ay ang pagkaubos ng mga manggagawa dahil sila ay nangingibang bansa na lamang bunsod ng maliit na sweldo at limitadong benepisyo.
  • Maaari ka ring gumawa ng iyong sariling slogan tungkol sa nasabing paksa. Tandaan lamang na ang slogan ay maikli lamang at madaling tandaan.

Iyan ang halimbawa ng slogan tungkol sa kung paano susuportahan ang sektor ng paglilingkod. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.

Paggawa ng slogan:


Comments

Popular posts from this blog

Layunin Ng Aspeto Ng Buhay ?, Para Sa Kinabukasan Mo ?

Noli Me Tangere Kabanata 25 Kultura At Tradisyong Pilipino At Bisang Pangkaisipan At Bisang Pandamdamin. Tnx

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Adolescens