Sino Si Nol Juan | Noli Me Tangere/Touch Me Not/Huwag Mo Akong Salingin.

Sino si nol juan | Noli Me Tangere/Touch me Not/Huwag Mo Akong Salingin.

Noli Me Tangere

Nol Juan

Sa nobelang Noli Me Tangere ipinakilala si Nol Juan bilang ang namamahala sa pagpapatayo ng akademya ni Ibarra. Ayon sa kanya, mas mainam na gamitin ang salagunting kaysa sa panghugos na iminumuwestra ng taong madilaw. Sa araw ng paghuhugos, siya ay isa sa mga naroroon subalit inakusahan na may kinalaman sa pagkamatay ng taong madilaw matapos na ito ay mabagsakan ng biga. Ang biga na pinaniniwalaan ng marami na nakatakda para kay Crisostomo Ibarra. Kaugnay nito, nagbigay agad ng kautusan ang alkalde na dakpin si Nol Juan subalit ito ay tinutulan ni Ibarra at sinabi na siya na lamang ang mag imbestiga ukol sa pangyayari.

Si Nol Juan ay hindi pinili ni Ibarra upang mamahala sa paggawa ng kanyang paaralan. Ang pumili sa kanya ay ang mga prayle kaya naman hindi maiwasan na mabigyang kulay ang kanyang tungkulin bilang tagapamahala sa pagtatayo ng akademya. Iniisip ng karamihan na ang pagkakalagay niya sa proyektong ito ay sinadya ng mga prayle at ang nangyaring sakuna sa mismong araw ng paghuhugos ay hindi isang aksidente ngunit ito ay nakatakda nga lamang ay hindi si Ibarra ang napinsala kundi ang taong madilaw na siyang nag boluntaryong mag maniobra  ng paghuhugos.

Read more on

brainly.ph/question/1307502

brainly.ph/question/526936

brainly.ph/question/459221


Comments

Popular posts from this blog

Layunin Ng Aspeto Ng Buhay ?, Para Sa Kinabukasan Mo ?

Noli Me Tangere Kabanata 25 Kultura At Tradisyong Pilipino At Bisang Pangkaisipan At Bisang Pandamdamin. Tnx

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Adolescens